(These are just MY thoughts)
Taena noh, dito sa Pinas ang mga struggling bands sobrang struggling talaga! Andami ko nakikita magagaling na banda na hindi nabibigyan ng chance para marinig ng mabuti ng tao. Magkaroon man sila ng gigs madalas sila pa nagbabayad. Madalas di pa sila papansinin ng mga tao dahil parang paningit lang sila sa gabi. Tapos makakapanuod ka na lang sa mtv,myx o kung saan mang channel dyan sa tv ng mga bandang ewan na bigla na lang lumitaw at ni minsan di mo nakita sa gigs at more or less alam mong dahil lang sa pera ang pagsikat. Bullshit talaga! Malagkit na malagkit! Anlakas pa naman din maka-influence ng tv sa kabataan ngayon. Kung anu makita nila madalas sa tv yun na ang alam nilang cool.
Hay, pinagdaanan na namin lahat ng pinagdadaanan ng mga batang banda ngayon. And until now nakakaranas pa din kami ng TAE ng TORO! Pero di kami titigil hangga't gusto pa namin gumawa ng mga kanta. Kahit gaano kabaho ang tae sa paligid malilinis natin yan pag nayanig na ng mga alingangaw mula sa gitara at amplifiers. At pag hinangin na ng hininga ng tinig mula sa mga microphone! At pag sinabayan pa ng mga totoong sumusuporta at talagang nakakaalam ng tunay na talento, mahuhugasan na din ang tae.
Be true to your craft not to your crap!
-Darwin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hayaan niyo... malapit naman na kayo e... dumadami na supporters niyo... alam namin ang worth niyo and we'll help u reach your goal! =)
- tepay
Thanks Steph! Hope to see you perform someday =)
-darwin
Post a Comment